----------------------------------------------------------YOHAN's POV
Alam kong madadaanan ko ang office ni Chenea, pero for sure, busy naman 'yon e. Wala kasi akong magawa, gusto kong bigyan si Chenea ng something to make her happy.
Pagdaan ko sa building ng office niya, nakita ko siyang sumakay ng taxi. Walang pumasok sa isip ko kundi sundan ang taxi. Nakita kong hindi pauwi sa condo niya and daan ng taxi, saan kaya 'to pupunta? Sinundan ko ng sinundan ang taxi niya, until I lost it. Masyadong madaming taxi, hindi ko na malaman kung alin ang sinasakyan niya. Sige na nga, I give up.
Dumiretso na lang ako sa Greenbelt, go for my goal na lang. Buy her something to drop sa office niya siguro, kasi lagi naman siyang nandoon e.
Naglalakad ako, ayan. Mag-isa, busy kasi team mates ko. At sino ba namang lalaki ang pupunta ng Mall? Well in my case, it's for Chenea naman e, gusto ko lang bumili ng kahit ano para sa kanya. Kaya hindi ako dapat mahiya to be here alone.
Pero guess what?
----------------------------------------------------------CHENEA's POV
Umupo ako dito sa labas, sa may fountain. Tinatawagan ko pa rin si Janerie, ayaw pa rin naman niyang sumagot nang biglang may nagtakip sa mata ko? Who could this be?
Kinapa-kapa ko ang kamay nung nagtatakip ng mata ko. Sasabihin ko na sanang 'Jans' pero iba yung kamay e. Iba. Einus na sana kaso walang mga bracelets na metal, wala ding singsing. Sino ba talaga 'to?
Pinilit ko na lang tanggalin 'yong kamay niya, ano bang dapat maramdaman? Unti-unting kumabog ang tibok ng puso ko, parang kinakabahan ako sa nakita ko. Siya ba talaga 'to?
"Yohan?" Tinanong ko pa kung si Yohan siya pero kita namang hindi ito karton na life-size Yohan. Totoo 'to, kahit siguro sampalin ko sarili ko, nandito pa rin siya sa harap ko. Pero kinurot ko ang left cheek niya, para sure na rin. Tapos tumawa kami. Ay, totoo ngang si Yohan 'to.
"O, Chenea! Wala ka yata sa opisina mo?" Tanong niya sabay hawak sa kamay kong pinangtest ko kung totoo siya. Bakit ko ba iniisip 'yon? Yun lang e!
"Ah, wala. Pupunta lang do'n." Tinanggal ko ang kamay ko sa kanya, pinanturo ko kung saanman, ang fake ko. Be real, si Yohan lang 'yan diba? Ano ba meron?
"Saan? Dyan ba talaga?" Tanong niya tinignan ang tinuro ko, siyempre napatingin ako. Pader pala. Joke time naman."Okay," I sighed. "I'm off from work." He didn't answer for a second. Okay, hindi naman kasi ako nagtanong.
"Oh? That's nice!" Nakangiti siya sa'kin. "Pero bakit tinatawagan kita kanina, pinatay mo phone mo?"
"Huh? Ikaw kaya, nung tumawag ako sa'yo e cannot be reached ka na kaaagad!" Tanggi ko, hindi ko naman talaga pinatay ang cellphone ko, namatay siya mismo.
"Weh? Hindi kaya! Wala, nagpatay ka ng cellphone, ayaw mo siguro ako makausap, makita pa kaya? Wala." Nang-aasar ba 'to? Tumalikod na siya, gesture ng paalis na.
"Uy, sandali." I grabbed his wrist. He looked at me, about three seconds akong walang masabi dahil sa mata niya. "Umm, actually, naempty battery ko kanina e, kaya siguro ayon, hanggang ngayon nga e empty pa rin."
"*laughs* ako rin naman kanina e." Sabi niya, so niloloko lang pala niya ako kanina, nagjojoke lang pala siya nang sinabi niyang nagpatay ako ng phone.Napahinga tuloy ako ng malalim,
"Kaya naman pala e."
"O, ano? Lunch tayo?"Nagsmile lang ako. Tapos naglakad na kami.
"Pero hindi ka ba talaga nagpatay ng phone?" Pakulit kong tinanong sa kanya, at napatawa na naman kami. Unti-unti na rin nawala ang kaba ko, how nice.
--------------------------------------------------------- YOHAN's POV
While eating at Masas, which is paboritong kainan na yata dito, e nagkwentuhan na rin kami.
"So tell me, bakit wala ka sa work? E parang last week lang nasa office mo ikaw lagi."
"Ganito kasi 'yan, I'm working all day long all throughout the week. Every morning, ginigising ako ni Einus, yung assistant ko." She started telling me. Naalala ko nung nasa Starbucks kami, naalala ko yung lalaki na nagsabi sa'kin na dalhan si Chenea ng kape. "Kanina nung ginising niya ako, he told me rest all day. I should go out and have fun daw, but I didn't agree with him. Sa dami ng works, dapat bang mag-relax? Hindi kasi ako sanay ng lumalabas e."
"oh, tama naman pala yung Einus e. Basta ako, agree ako sa kanya. Masyado ka ng workaholic e." sabi ko naman. Napatawa lang siya
."Nako, hindi mo lang kasi alam ang nangyari." Sabi niya sa'kin ng nakangiti. Tinanong ko kung bakit at sinabi niya lahat ng nangyari sa Chillio. Naiintindihan ko siya, pero kahit naman gano'n ang nangyari, dapat pa rin namang magpahinga diba?
Kung kami nga sa team, pag natatalo, we practice harder, but there's always rest para makondisyon ang katawan para maging mas maayos ang laro. In her case, I think it's just the same.
"Alam mo, more work, less strength." Sabi ko sa kanya, ngumiti na naman siya.
"Pero paano naman pag mahal mo ang work mo? Diba kakayanin mo naman kahit labis na ang binibigay mo?" she makes sense, she has point.
------------------------------------------------------CHENEA's POV
Pagkasabi mo no'n, hindi na siya sumagot sa sinabi ko, nagsmile na lang siya at napa-iling. Nagsmile na rin lang ako, hindi ko alam kung dahil sa nagsmile siya o hindi na siya nakasagot sa sinabi ko dahil tama ako? O baka naman dahil eto ako, kasama ko siya.
He was really a gentleman, siya na ang nagbayad ng kinain namin. Naalala ko ang sinabi noon ni Janerie noong nanliligaw pa lamang sa kanya si Jeoff: "Ang lalake kamo? He'll do everything for you. Iti-treat ka niya sa labas, lagi ka niyang i-tetext, tatawagan ka rin niya, lagi mong mararamdaman na nandyan lang siya sa'yo. sa madaling salita, gusto ka ng tao. Kasi kung hindi, bakit niya ipaparamdam sa'yo ang mga ganyang bagay? Minsan iniisip ng mga babae, pa-fall ang mga lalake pero hindi naman talaga. Minsan kasi, babae naman talaga ang nagkaka-pride porke't ang lalake ang gentleman sa'tin. That's the nature of the guys, bakit hindi natin maintindihan 'yon? All of the guys like all of the girls. Kaya sa tingin ko, guys sometimes are way too perfect for us, girls. Kaya maki-ride ka na lang pag may naging ganyan sa'yo ah? Gusto ka nung tao, why not befriend him?"
Pero ang naisip ko, hindi naman talaga ako gusto nitong si Yohan, all I know is he's just there, minsan hindi ko lang alam. And ramdam ko na we're friends, and I'm happy about it. Gusto ko lang ang sinabi niya na "Kaya sa tingin ko, guys sometimes are way too perfect for us, girls." Kasi sa nakikita ko kay Yohan? Sobrang bait niya.
"O, saan tayo pupunta?" Tinanong ko siya habang naglalakad siya na kasama ako.
"You need to have fun, diba?" Tumigil kami sa tapat ng Calvin Klein. Napatingin ako sa kanya.
"O, ano?" tanong niya. I get it, he's taking me to shopping.
"O, c'mon! Ano 'to?"
"Sige na, go lang. Ako bahala." Sabi niya.
"Alam mo, I've never done this over a year. Bilin kasi lagi ni Mommy e bili na ako kaagad ng madami to sustain me for a year."
"Really? This is your chance ulit." Then he smirks. Napapaisip tuloy ako kung bakit ang yaman niya. Treat niya daw kasi siya nga daw bahala diba? Nagiging compfortable na rin ako with him. Magic.
Kung saan-saan pa kami pumasok tulad sa Burberry na never kong tinry bumili dito, mahal kasi! Binili rin niya ako ng bag sa Nine West, bakit nga ba ang bait niya? Parang mga bata kami, pasok, bili, labas sa Banana Republic, Zara, Topshop... First time ko 'to to have fun ulit in a year. Masyado na kasing busy si Janerie e.
Para naman makabawi sa kanya, since nag-CR siya, pumasok ako sa Rolex. Binili ko siya ng relo, nilagyan ko ng note sa loob: 'thanks for this day!-Chenea'. Tapos hinahanap na niya ako, nakita ko siya sa malayo. Nilagay ko kaagad ang box nito sa bag ko, baka makita niya kaagad.
Ginulat ko siya sa kalbit sa likod. Tapos hinila ko siya sa Celio. Nagkaintindihan na kami, kung anu-ano binibigay ko sa kanya sa fitting room, siyempre marunong naman ako pumili. *laughs* Habang nag-fifit siya, binigay ko na sa kahera yung credit card ko na luma. Naalala ko 'yung bagong padala niya for my charity. Ilang shops at boutiques pa pinasukan namin. Masasabi ko talagang masaya ako today. He's my magician.
Nagdinner kami bago umuwi sa Fish & Co. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga movies ngayon, right after eating, we headed home.
Inaantok ako, feeling ko napagod ako kahit masaya ako.
----------------------------------------------------YOHAN's POV
Naalala ko ang mga nangyari kanina, ang saya palang kasama itong si Chenea. Napatingin ako sa kanya dito sa tabi ko habang nag-dadrive, pero nakatulog na yata siya. Medyo hininaan ko ang aircon, baka kasi lamigin siya. Pagdating ko na sa tapat ng Excanda, tulog pa rin siya. Kaya iniikot ko na lang ulit ang sasakyan, para makatulog pa siya ng mas mahaba.
Pagkaikot ko, may nagtext sa'kin, nagising tuloy si Chenea. Bumaba na siya nang nasa harap na kami ng Excanda.
"Yohan, salamat ulit, ha?"
"Wala 'yon. Next time ulit ha?" Then she smiled and nodded.
"Goodnight." Sabi niya, nag-goodnight na rin ako.
Nang naka-park na ako sa condo ko, may nakita akong box sa inupuan ni Chenea, siguro sa kanya. Pagkuha ko, nahulog, natanggal ang cover. Kinuha ko 'yung note na nahulog, nakalagay: 'thanks for this day! -Chenea'. Natuwa ako, kasi binigyan pa niya ako as a thanksgiving gift.
sana talaga may next time pa'to.