Maya-maya pa, bumalik na kaagad si Einus.
"Thank yo, ha."
"Sure, umuwi ka ha."
"HA? I'll find time for that." * laughs* Wala na akong ibang masabi, nagbabasa ako ng letters from EIC ng Candy at Seventeen. Maya-maya pa, pag-inom ko sa kape ko, wala na palang laman. Almost 1 AM na rin. Ang bilis ng oras. Buti na lang medyo natapos ko na yung para sa mga magazines. Biglang nag-ring ang phone ko, si Yohan. Sinagot ko.
"O, Yohan?" I relxed my head at the back of the chair.
"Chenea, kamusta? Ang busy mo yata sa work, ah?"
"Ah, um... Oo nga e, ang dam kasing daat tapusin."
"Pansin ko nga. Kaya siguro hindi ka na naka-reply sa mga text ko, pero okay lang naman talaga 'yon. I understand."
----------------------------------------------------YOHAN's POV
I told her. Hindi na siya sumagot, pero hindi pa rin naman niya binababa. "Hello? Chenea?" Siguro nakatulog na siya. Stressed na rin siguro. Two days ko na rin siyang hindi nakikita. I waited kung magsasalita siya. Since hindi naman niya binababa, hindi ko rin binaba.
Nagising ako ng 6:00 AM, hala! Nakatulog pala ako. "Hello? Goodmorning Chenea." Hinintay ko ng ilang seconds kung magsasalita siya, pero I got no response. "Siguro tulog ka pa, sorry sa abala lalo na kaninang madaling araw nung tumawag ako. I know that you're really busy. Sige, have a really nice day. Text ka na lang if possible. I... I hope you find time." Sinabi ko 'yon sa kanya, though I know she's still asleep and surely won't know what I've just said. I pressed 'end call' na. almost 5 hours na rin yung call duration.
---------------------------------------------------CHENEA's POV
Narinig ko ang mga sinabi ni Yohan. Pero yung 'time' lang talaga, kagigising ko lang. Nakatulog na naman ako, pero buti na lang I'm almost done. Nakatulog ko nung tumawag siya, hind niya binaba yung tawag. Magfa-five hours yung duration e. Nakakahiya naman sa kanya, 6:00 na rin. Hindi na nga ako sumulpot sa dapat e dinner namin. Uuwi muna ako at maliligo. I tried calling Yohan back, pero cannot be reach na. I hope he knows how sorry I am.
Papasok na ang mga empleyado ko, nakasalubong ko yung iba palabas sa building. Right after taking a bath, nagmadali na ako magbihis, pumasok na ulit ako. On my way, I tried to call Yohan to apologize, pero empty na naman ako.
-------------------------------------------------YOHAN's POV
Na-receive ko ang message ng Globe, Chenea tried calling me. Pero empty na ako kanina. Naubos siguro battery ko nung 5 hours naka-on ang tawag sa kanya.
I dialed her number, pero cannot be reached na. Sana naman hindi niya sinasadya 'yon kasi I did not picked up kanina. I'll explain na lang. May game pa kami sa isang araw, kailangang seryoso na sa practice.
------------------------------------------------CHENEA's POV
Pagdating ko sa office, diretso work na. Later in the afternoon, I had a meeting. Right after the meeting, bumalik na ako kaagad sa office. I'm working hard, at alam kong I've giving too much of me. Siguro masyado na akong subsob sa trabaho, this is the only way I know para umayos ang takbo ng kompanya.
Siguro nga pressured ako, one week na nga pala akong walang tulog, lagi na lang mga three hours. Hindi na bago sa akin ang bawat bukas, parang ang bawat kahapon, nagiging ngayon. Pare-pareho na lang ang nangyayari. Magigising ako sa harap ng computr ko dito sa office, sasabihan ako ni Einus to go home, babalik ako sa office, may meeting sa hapon, balik sa office, tatawag si Yohan asking for a free time, laging sorry ang sagot ko sa kanya, magdo-drawing na naman ako ng mga designs, tapos makakatulog ako, gigisingin na naman ni Einus finding a text from Yohan lagi. Ang laki na ng utang ko kay Yohan kung tutuusin. Nakakahiya na.
Pero deep inside me, gusto kong makita si Yohan... Joke. I mean, gusto ko lang talaga mag-sorry, in person mas mabuti. Gusto kong bumawi sa kanya, kahit isang dinner lang. Kahit dapat siguro e gabi-gabi na kaming magkasama. I owe him too much. Lagi siyang nandyan reminding me, "Isingit mo ang dinner mo dyan ha?" "Bigyan mo naman ng pahinga ang trabaho mo lagi ka na lang kaharap." "I keep on praying to God to give you rest. Ikaw rin kaya, why not ask a rest from him?" "Wag ka na umuwi ngayon, 1 AM na e, pag may araw na lang Baka kung ano pang mangyari sa'yo." At bago namin ibaba ang phone siya ang huling salita, "Ingat." Never naman akong nagsabing 'ikaw rin'. I found nothing sa 'ingat' e. Parang God Bless lang rin siguro, right?
-------------------------------------YOHAN's POV
Nasa Starbucks ako with Ryan, and some of my teammates.
"O, ano pare? Kamusta ka na with Chenea na yun? You know, the girl you're always talking about...and talking to!" Sabi ni Ryan, tumawa naman sila.
"Nako, pare. Basta, ang alam ko e friends kami."
"Sus, pare. Galingan mo naman kasi!"
"Ayaw ko naman siya pwersahin 'no. Besides, yon na nga e. We're friends, and that's really fine."
"Not that pare, si Coach magagalit!" Tapos natawa na kaming lahat.
"Hindi ko na nga nakikita si Chenea, busy kasi lagi sa work e."
"Puntahan mo, sus. Easy lang 'yan." Pero wala na akong nasabi, iba si Chenea e. Hindi siya yung busy na tao na okay lang para puntahan mo sa work niya. Her work is her life.
Tapos biglang may nagsalita sa likod ko."You know what? Kung gusto mo siyang makita, pumunta ka sa office niya, dalhan mo ng kape."Nagulat ako. Pati mga kasama ko e nagulat. "I'm Einus, assistant niya."Hindi ko alam kung dapat akong maniwala sa kanya. Pero I ended up buying a coffee at dumaan sa office niya pagkatapos namin maghiwa-hiwalay ng mga kasama ko.
Tinanong ko sa guard kung nandoon pa siya. Nandoon pa nga daw, tumaas ako pagkatanong ko kung anong floor. Pumasok ako, ang dilim. Feeling ko wala na siya e. Pero may nakita akong medyo bukas na room, pumasok ako. Nandoon siya, nakatulog na sa desk niya.
Pinatong ko na lang ang kape at umalis na. Baka magising pa siya, she may have the best dreams right now, ayoko naman sirain.
--------------------------------------------------------CHENEA's POV
Nagising na naman ako, si Einus na naman ang gumising. May nakita akong kape sa desk ko. Siguro dala ni Einus.
"Chenea, diba sabi ko sa'yo you're doing too much for Chillio. Why not take a break? Mag-relax ka muna. Mag-enjoy!"
"Einus, walang 'relax' sa schedule ko. The way I am sa pagwo-work, I enjoy it."
"Ows?" Si Einus naman, nang-aasar pa. "Basta, ngayon ako ang masusunod, kaya sabi ko mag-relax ka. You have all the day para mag-chill out! Chillio, chill out!"
"Tama na nga 'yan Einus." I told him going to the door.
"Heeeep. Pahiram naman ng susi mo dito sa office mo, baka kasi maisara mo, e may kukunin pa akong files. Yung mga ginawa mo."
"Ha? O sige, eto." Kinuha ko sa bag ko at binigay sa kanya.Ni-lock niya yung pinto, narinig ko pagkalabas ko. There's one thing I realize, naisahan ako ni Einus! "Einus????!!!!"
"O, diba? Sige, you have all day to enjoy, gumala-gala ka. Magliwaliw ka."
"Einus!"
"Sabi ko nga, buh-bye!" Then he continued working. Hindi ako umaalis, hinihintay kong ibalik ang susi ko sa office. "You have to get going, sayang oras mo. Free day mo pa naman 'to."
"I'm taking this as a favor, ha? But I'll be returning. By the way, thanks for the coffee." Medyo naasar ako kay Einus, babalik din naman ako, no. Umalis na ako.
Pagkatapos ko maligo at lahat, bumalik na ako sa office. Si Manong Guard naman, ume-extra pa sa buhay ko.
"Ma'am, hindi po kayo pwedeng pumasok." Nagulat naman ako kay manong, joke time naman 'to e. "Ma'am hindi po talaga pwede." Tapos may pinakita siyang note: CHENEA DEEKAILA LEWIS - ristricted to enter. May nakalagay pang picture ko ah.
"Pero."
"Sorry po, Ma'am." ANO BA'TO? Akin ang Chillio e, trabaho ko 'yon. Medyo paiyak na ako.
"What? Sorry? Manong naman, o." Pagpupumilit ko pa. Pero ayaw talaga ni manong bumigay. "Sige na nga, kung 'yan talaga e. Hindi na pwede kung hindi. Sige."
"Ay Ma'am, may nagdala nga po pala ng kape nung mga madaling araw na kanina, mga 12 na ho siguro."
"Si Einus?"
"Ay hindi po. Iba pong lalake, matipuno ang katawan, medyo singkit rin po." Nagtaka na lang ako kung sino.
"Ah, sige, pero hindi mo pa rin ako papapasukin?"
"Sorry ho."Nag-walk out ako. Joke! Nandoon pa rin ako sa harap ng building, tinatawagan ko si Janerie. Pero for sure nasa work pa siya, hindi siya sumasagot e.
Naghahanap ako ng matatawagang iba, e si EInus lang naman ang iba na 'yon at wala ako sa mood na kausapin siya. Kainis! Pagbaba ko pa sa contacts, nakit ako, 'Yohan'... Pero nahihiya naman akong tumawag, hindi na nga niya sinagot an tawag ko kanina e. May nakita akong Ford Everest na black, tumigil sa harap ko. Pero ibang tao ang binaba e. Sige, oo. Ineexpect kong si Yohan 'yon. Pero hindi e, hindi siya 'yon. Saan na ako pupunta?
"Chenea." Narinig ko ang pangalan ko from behind."Ma'am, siya ho yung sinasabi kong nagdala ng kape." Sabi ni Manong sa likod ko.
Guess what?